Wednesday, October 14, 2009
Tuesday, October 13, 2009
"BAGONG SIMULA" - The Lost Song

"Bagong Simula," as described by Paraiso Philippines, is a song that calls for change and brings hope for a new Philippines through the youth. It emphasizes the message that we have the power to once again bring life to our deteriorating and tarnished country. Our INANG BAYAN is in desperate need of a new start and a breathe of fresh air.
"Bagong Simula"
(Lyrics sung by Kevin Roy, Yael Yuzon,
Marc Abaya, Kitchie Nadal, Yeng Constantino,
Placid and Tugma)
Parang isang gabing walang katapusan
Sa bawat mesa, asin lagi ang ulam
Umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan
Batang nakahubad kumot ang lansangan
Lupaing kinalbo minsa’y nadidilig
Ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid
Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos
Parang awa sana ay dito magtapos
Todo na ‘to!
Liparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan
Wag nang maulit kapalarang kay pait
Wag magpabaya wag kang manahimik
Wag kang manlalamang, wag kang mangigipit
Wag magkanya-kanya, magkaisang bisig
Magmalasakit ito’y kabayanihan
Gawin mo anumang makayanan
Kalagayan ng bayan sumasama lamang
Kung walang gagawin tayong mamamayan
Todo na ‘to!
Lliparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
sa bagong simula ng ating bayan
Ipakita natin sa ating mga magulang,
Mga kapatid,Kaya natin ‘to!
Isang subok pa,Sabay-sabay na,
Walang kokontra!
Todo na ‘to!
Lliparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan
Todo na ‘to!
Lliparin ang langit na bughaw
Pagningningin mga tala at araw
Mamumulang muli ang silangan
Sa bagong simula ng ating bayan
Unfortunately, over the passed year the song died with its message. Probably only a few people could still remember it. Sayang!
For this reason -- The DOSCST Dagmay'Ani Dance Troupe, in cooperation wiht ABS-CBN Davao and other concerned Pinoys, brought the song back to life and gave it a new flavor by adding in several forms expressions utilizing different genres of dance. With this efforts, we hope that we can help convey the sad truth that the song tells and that by this we can all wake-up and change towards a new beginning( a bagong simula). Together we shall make our three stars and a sun shine even brighter!


Subscribe to:
Posts (Atom)